Musings at 12AM: Asan na ang Brow Pencil Ko?



Naranasan mo na bang mawalan ng brow pencil? Ilang araw nang nawawala yung akin. Bad trip. Kilay is life, pero asan ang pangkilay ko?

Kapag may maliliit kang anak, lahat ng hawakan mo gusto nila pakialaman. Tulad ng makeup. Kapag napaliguan at nabihisan ko na sila para sa isang lakad, ayan na sila, sunod sunod kung san ako magpunta habang ako naman ang naggagayak.

Gusto ni Z kunin ang brushes ko, si Baby I pakikialaman ang moisturizer. Maya maya magaagawan sila sa brushes, at mapag iinitan ang brow liner ko na may spooli (tama ba spelling?) sa dulo. 

Dahil male late na, magmamadali ka na lang na itambak sa isang lugar ang mga ginamit mo na pampaganda nang hindi tinitignan kung may kulang ba.

Ending. Nawala si brow pencil.

Bakit ba laging nawawala yun??

Pero sa pagkakataong ito, di ko na sya mahanap. Iniisip ko ng maigi kung san hinagis ng Bunso. 

Di naman kamahalan yun, pero malaking tulong sa ayos ng mukha kapag maayos ang kilay. Madalas yun lang inaayos ko sa mukha ko, pwede na lumabas ng bahay for errands.

Bigla ko naalala meron pa pala ako nung isa, yung tig 60 pesos na tina tiyaga ko kahit mas malaki pa ang limang piso kesa sa size nung pencil na natira.

Napaisip ako: nung mga bata tayo, nangalahati pa lang sa paggamit yung lapis naten, pero gusto na naten tasahan yung bago. Pero kapag nanay ka na, tiya-tiyagain mo hanggat may sulat pa. Hahaha! Kuripot? O tamad mamili? Minsan both.

Oh well, mukhang wala akong magagawa kundi bumili ng bago. Wala na atang pag-asa na mahanap ko pa sya.

Ikaw, anong makeup item ang di mo pwedeng mawala? 

Comments