Solo

Marahan kong pinagmamasdan ang pagkain mo ng salad mula sa baunan mo. Sa tabi ng iyong mga aklat ay ang isang bote ng Coke at highlighter. Nagbabasa ka ng materyales habang kumakaing nagiisa sa lamesa sa clubhouse. Napangiti ako. Mahigit sampung taon na din akong hindi nakakapag solo.



Buhay Single

Matagal din akong naging single. 26 years. 26 years na malayang sarili lamang ang iniintindi. Sa karamihan ng mga kabataan siguro ngayon eh taranta na kapag inabot ang ganyang edad na hindi nagkaroon ng karelasyon. Para sa akin noong panahong iyon, isa iyong pribelehiyo. Pagkakataon upang mahalin lamang ang sarili.

Nakakamiss din manood ng sine ng mag-isa. Lalo na mas trip ko manood ng first screening pagkagaling sa simbahan ng Baclaran. Hindi siksikan kapag first screening, malinis ang mga upuan, hindi mahaba ang pila sa ticket at popcorn. Kaya siguro kapag lumalabas kami ngayon ng mga bata at ni mister ay baon-baon ko ang habit na manood ng sine sa unang screening. Less stress eh.

Nakakamiss din mag shopping mag isa. Yung wala kang akay akay na bata. Yung tipong naguubos ka ng oras, di tulad ngayon kakalabas mo pa lang eh gusto mo nang umuwi kaagad dahil nakakapagod lumabas. Kapag may nag tantrums na isa sa mga anak mo, nakow, uwi kaagad.

Nakakamis din magbasa ng libro na wala kang inaabangan na batang matutulog bago ka magbukas nito. Kasi panigurado na kukulitin ka ng isa sa mga bata kada ilang minuto kapag nakita kang tahimik at nagbabasa. Hihingi ng pagkain, gugustuhing mag paint, magaaway bigla, at di natatapos ang listahan ng dahilan para sa interruptions.

Nakakamis mag solo, ano?


Panahon Para sa Lahat

Bagamat namimis ko ang mga bagay na naenjoy ko nung dalaga pa ako, masarap din isipin na meron akong sariling pamilya.

Nakakatawang merong pa-rally sa labas ng pinto kapag nagsi-CR ako.

Yung nakukuha mo sa isang tingin ang mga bata kapag hindi pa sila tumitigil kahit madami na akong warnings. Nakakatawang isiping may mini army ako.

Malalambing na mga bata. Clingy, oo. Pero ang sarap ng amoy nila. Yung pagyakap pa lang sayo eh napapawi na ang pagod mo.

At kapag tulog na sila ng mahimbing? Tititigan ko lang sila at aamoy amuyin. Parang adik lang. Singhut singhutin.

Minsan lang sila maging bata. Darating din ang panahon na kami na lang ni mister ang magsha shopping. Kami na lang ang magkukulitan.

Kaya kahit namimiss ko minsan ang mag-isa, makapag me-time lang ako ng isang oras, fully charged na ulit ako at ready for action.

Kaya sa dalagang nagaaral mag-isa sa clubhouse, namnamin mo ang season na iyan ng buhay mo. Dahil may malaking adventure na naghihintay sa buhay mo.


Comments

  1. Namiss ko din magsolo. Kahit na last year e some kinda solo ako since nasa Baguio ang anak ko. Narealize ko na magkaiba yung single na solo at nanay na solo. Nung single ako, kahit abutin ako ng umaga sa coffee shop na kasama lang e notebook, ballpen at nakikinig ng muaic sa phone, ok na ok ako. Pag nanay na solo, ang nasa isip mo pa din yung anak mo. 😁

    Grateful naman ako na naenjoy ko ang buhay solo. Pero ngayon, mas grateful ako na paguwi ko ng bahay, nakikita ko na anak ko. 😊

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ibang iba talaga nung wala pa ang mga kids. Hehe. Sarap lang mag reminisce ng nakaraan. Tambay din ako ng coffee shops noon, noong mga panahon na di pa tumatambay ang ibang kabataan. Haha! ngayon crowded na.

      Delete
  2. Nakakamiss nga ang solo yun ang naiisip ko pag pagod ako pero kapag naman mag isa ako nasa school mga bata namimiss ko na sila agad, yun kahit san magpunta ay gusto kasama sila, yun magpipicture ka gusto kasali sila, yun susubo nlang hihingin pa nila, gusto gusto ko nag aagawan sila kung kanino ako tatabi at kanino haharap.. Hahaha buhay nanay mahirap na masarap at fulfilling.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Parang kanina lang, pinagaagawan ako ng mga bata. Sarap ng pakiramdam na minsan nakakainis na din kasi nagtatantrums yung iba kapag di na-solo ang Mama. haha

      Delete

Post a Comment