Mga Bagay-bagay na Natutunan ko sa Ladies Dorm

This is my attempt to celebrate the Buwan ng Wika (Language Month). I have to warn you though, it's going to be a long read. :)


Naalala n'yo pa ba ang unang araw n'yo sa kolehiyo? Ako, oo. 7 ng umaga yung unang subject ko sa unang araw ng unang taon. Comm1 yun, sa basement ng Humanities sa UPLB. Pagkatapos nun, Math11 naman. May 1 hour break kami bago mag lecture sa Botany1 kaya tumambay muna kami sa Dunkin' Donuts sa may Vega Mall dun sa tabi ng UP Gate. Sina Ime, Flor, at Jude ang mga kasama ko - sila din mga unang naging kaibigan ko sa block namin.

Iba talaga ang pakiramdam ng mag-aral sa unibersidad, ano?

Photo Credit: Google Images

Masarap balik-balikan ang nakaraan. Ang apat na taon na ginugol sa pangalawang tahanan ko, ang Elbi. Maraming masasayang alaala ang tumatak sa isipan at puso ko kaya masasabi ko na da bes ang college life. Sa lahat ng mga ala-alang ito, pinakamalapit na siguro sa puso ko ang tahanang tinuluyan ko sa buong panahon ko sa kolehiyo.


Kasama ko mga magulang ko nung naghanap kami ng matutuluyan ko sa Elbi. Taga Maynila kami at ang magbyahe araw-araw papasok at papauwi mula Los Baños ay isang kalokohan, kundi suicidal. Kaya nagpasya kami na sa dormitoryo ako mananatili at uuwi lamang sa weekends.


Ang tatay ko ang pinakamapili at maselan kaya naatasan ako tumira sa isang exclusive all-ladies' dormitory. Unang beses kasi ako na malalayo sa kanila kaya nababahala sila. Ganun naman ata talaga pag yung anak na babae ang aalis sa bahay, mas nagiging strikto ang tatay. Mother's Best Ladies Dorm ang pangalan ng tinuluyan ko, sa may F.O. Santos, sa ibaba ng Sizzlers. Wala syang kinalaman sa Mother's Best na nakikita sa supermarket pero "Mother" ang tawag namin sa may-ari ng dorm na sya din may-ari ng ilang restaurants sa Elbi. Apat na taon akong tumira dito kasama ang mga kababaihang maitutulad kong mga kapatid sa ibang nanay.


Inaamin ko, natakot din ako sa ideya ng dorm. Sa mga pelikula at palabas sa TV kasi nakita ko na sa mga dorm eh maingay, magulo, at minsan may mga pag-aaway. Sana'y naman ako makisama sa iba't ibang tao kasi bago ang UP, pumasok na ako sa pitong paaralan. Ang dami, ano? Kung bakit, ibang kwento naman yun.


Masaya ako sa mga naging housemates ko. Nakakatuwang isipin na karamihan sa mga dormmates ko sa una at pangalawang taon ay nakasama ko hanggang sa huling araw ko ng pagtira doon. 

Sa totoo lang, mas na-appreciate ko ang pag-aaral habang nakatira sa dorm. Ibang-iba sya nung nag-master's ako at umuuwi sa bahay namin. Marami ako natutunan habang asa dorm, di lamang sa pagba-budget at pakikisama, pati pag manage ng time, pag-alaga ng sarili, at marami pang iba. Nais ko ibahagi sa inyo ang ilan sa mga natutunan ko:


  • Kung nais mo mapanood ang paborito mong primetime telenovela, maaari lamang na hawakan na ang remote  ng nag-iisang TV sa dorm  mga isang oras bago magsimula ang programa. Tip: Sumigaw at tawagin ang mga kabatak pag simula na ang Pangako Sa'yo

  • Kapag sinabihan ka na, "Mag-SEX tayo," hindi bastos yun. Niyayaya ka lang na kumain sa Shanghai Express sa may Grove.

  • Ang curfew eh hindi lang pinatutupad pag may bantay na caretaker sa dorm. Asahan mo na ang roommate mo ang unang sisita sayo 'pag ginabi ka ng uwi

  • Kung ayaw mo maging usapan sa dorm, 'wag magdadala ng boyfriend sa kwarto

  • Ugaliing mag bath robe pagkagaling sa banyo. Di maiiwasan minsan na may biglaang bisitang kapatid na lalaki o tatay ang roommate mo

  • Pwede gawing sampayan ang glass divider sa shower. 

  • Totoong may kakaibang nilalang na di nakikita sa mga dorms. Ngunit, wag matakot. Mas malakas si Lord dun, pramis.

  • Nais mag review ng aralin sa buong magdamag? Wag matakot. Siguradong may at least isang dormmate na gising din.

  • Alamin asan ang fire exit.

  • Alamin ang schedule ng mga ka-share mo sa banyo ng di kayo nag-uunahan sa umaga

  • Madalas na food supply: instant noodles, de-lata, chips, kape, palaman na asa sachet, at gardenia bread.

  • Iba't ibang relihiyon ang meron  sa dorm. Matutong buksan ang isipan at irespeto ang paniniwala ng iba

  • Huwag magbabad sa telepono, may nakapila na kelangan mag NDD (di pa uso masyado cellphone noon)

  • Kapag meron ka, meron at meron kang mahihingan ng sanitary napkin

  • Laging i-text ang roommate kung nasan ka na at anong oras ka uuwi. Madalas may surprise visits ang mga magulang, mabuti nang may bala ang roommate mo kung sakaling i-interrogate sila ng mama mo.

  • Ipagbigay alam sa mga dormmates kung may bf/gf ka at bawal na malaman sa pamilya mo. Mahirap nang madulas ang dormmate at lagot ka pag-uwi mo sa inyo.

  • Kapag may bawal na appliance sa dorm, tulad ng plantsa, siguradong isa sa inyo ay nagtatago nun.


  • Kahit bawat isa sa inyo sa room eh may alarm clock, di ka magigising pag nag-alarm yung sa roommate mo. Matu-tutong magscreen ang tenga mo ng ingay

  • Pag di mo mahanap ang floppy disk mo, tignan sa ref. Baka naiwan mo dun

  • Nawawalang susi? Tignan ulit sa ref. O kaya naman sa freezer

  • Wag kukuha ng Chocolait sa ref na pagmamay-ari ng isang chemistry major. At lalong wag na wag mag-iiwan ng ebidensya sa basurahan. Mapapa-amin ng mga chemistry majors ang salarin dahil ipapa-test nila ang basurahan. 

Masaya na malungkot mawalay sa pamilya. Ngunit, isa itong pagkakataon para sa ang sariling kamalayan ay mapalawak, linangin ang kasanayan, at maging mabuting nilalang sa lipunan. 

Marami-rami pa ko natutunan for sure. Ikaw, ano mga natutunan mo sa dorm? Share mo naman! :)


P.S. Di ko na makita mga dorm pictures ko nung college. Boooo.

Comments

  1. Hi petite mom! favorite tambayan ng family yan, yung baker hall, malapit kami jan. Napaganda talaga ng loob ng ELbi lao ngayon, may hagdan na napakaraming steps ang kagagawa ang. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Rea! Matagal tagal na din ako last na pumasyal dun. Balita ko nga maunlad na sya at trapik na. Hehehe. Sarap naman, malapit lang kayo sa Elbi. Fresh air! :)

      Delete
  2. na ang siomai at masarap na ulam! hahaha

    anong batch mo sa elbi?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! Pappus!! :)

      Batch 98, Mommy Pehpot. Nung freshman ako, 1-liner pa lang ang text sa cellphones. Haha!

      Delete
    2. 98 ka pumasok? ako din! pero hindi na ako nakalabas ng maayos LOL (undergrad haha)

      Delete
  3. Omg! Elbi ka din pala, sis! Sa foreha ako and maidagdag ko lang, bawal malate ng uwi dahil wala ng jeep paakyat at pihadong maglalakad ka na hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku sis, malayo layong lakaran yan pag na-late na! Hahaha! Safe naman maglakad sa gabi di ba? Presko pa!
      Di ko lang sure kung ganun pa din ka-safe dun ngayon after nung mga news na di kanais nais.

      Delete
  4. Hahahaha! Love this! Like super super love this! I've been to UPLB with my theater group twice I think, but the only thing I remember about Los Banos are the hot springs! LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha! Na meet mo ba si fertility tree? Hehe.
      Naku yung recent visits ko dun puro hot springs din lang pinakay ko! Haha!

      Delete
  5. Hi Kat! Nice to be mentioned in your blog :-)
    I really miss those days! Ung "review" natin sa likod ng library, si "ESME" ng jollibee...ang saya!

    ReplyDelete
  6. Mukhang masaya rin ang mag-dorm. Hindi ko naranasan yun, balikan ako sa amin mula UP Diliman isang oras at mahigit ang biyahe. Naalala ko pa yung unang araw ko, kasama ko mga magulang ko at hindi mahanap yung aking building.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakapagod ang bumiyahe, ano? :) Nakakalito talaga on the first day. Buti di ko hinanap yung TBA! :D

      Delete
  7. I never had the chance to stay in a dorm since Ateneo is just 15-30 minutes drive from our house. Still, I'd say my college years remain to be one of the most interesting phases in my life! Hindi ko makakalimutan ang first time namin manood ng Oblation Run sa UP Diliman noong freshies kami, ang endless road trips namin in between long breaks and after school, ang mag all nighter sa Starbucks Katips pag exam week, at ang overnight Philosophy exams. Lol! Syempre, dyan ko rin nakilala si hubby.

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're lucky (?) to have seen oblation run! Ako hindi nakawatch ever. Hahaha!

      Uy, college sweetheart. Cool! :)

      Delete
  8. Tawang tawa ako sa nawawalang susi at floppy disk na nasa ref. Coz I once left my cellphone inside the ref!! Nakakaloka! Hahahaha! I never had a chance to stay in a dorm. Though I tried sharing apartments. One of my best days honestly. Coz my room mates are bookworms also. Laking tipid sa pagbili ng books, nasa iisang bookshelf ang mga books namin. Parang library!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Korek yang mini library sa dorm. I remember, I had a roommate na collector ng tagalog romance novels. May mahihiram ang bawat isa sa dami ng books na available!

      Delete
  9. Natuwa naman ko sa post mo, it reminds me of my college years but I did not stay in dorms kaya I enjoyed reading your post. Now I have an idea ng buhay sa dorm. Twice pa lang yata ko nakapunta ng UPLB, one is field trip nung elem, hehehe! and second nung sinamahan ko si hubby na kumuna ng diploma.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks, Michi! :) Uy, schoolmate ko si hubby mo. Cool! :)

      Delete
  10. Hindi ko naranasan mag dorm, malapit lang kasi school namin sa bahay, 20 minutes away. I would have been a fun experience siguro. Natuwa ako basahin post mo, it's refreshing to read something like this every once in a while.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks, Nicole. :) You're lucky na ang lapit lang ng school from home. Di na kailangan bumangon ng maaga para bumiyahe ;)

      Delete
  11. Nakapag dorm din ako noon ng isang taon, at nakakarelate ako sa mga sinabi mo. haha. Mahirap na masaya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang happy di ba? It's an awesome learning experience for me ;)

      Delete
  12. Oh my gosh, I love this post! It made me remember my UP days din, especially my first 3 sems na I stayed in the dormitory. Unlike you, though, totally bawal ang visitors sa rooms. Even parents. If I'm not mistaken, they're only allowed kung open house. Yung visitors, always sa lobby ini-entertain. Also, for 2 consecutive sems, dun ako na-assign sa 2 "horror" rooms! May scary experiences pa ako dun sa isa. Kakamiss! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parents lang ang allowed talaga pero you know naman, pag walang bantay. Hehehe. I had one scary experience sa room, pero deadma. Antok na antok ako eh. Hahaha!

      Delete
  13. Hahahahaha! Ipapa test ang basurahan ng chem majors! It was so funny.=)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang kulit ano? Natawa din ako nung kinuwento ng dormmates saken yung interrogation na nangyari between the chemistry major at yung salarin. :D

      Delete
  14. Haha this made my day, funny(in a good way) and entertaining!

    ReplyDelete

Post a Comment