How to Homeschool in the Philippines: Socialization



Isa mga myths ng homeschooling ay baka daw maging sociopath or _magkaproblema sa pakikitungo sa ibang tao ang bata. Para ma-address natin ang topic na ito, alamin muna natin kung ano ba ang socialization.

Ayon kay Wikipedia, ang socialization, ay "process of internalising the norms and ideologies of society." Ibig sabihin sinasaklaw nito ang social interaction, at ang pag-alam at pagsunod sa mga social norms at rules.

Noong mga unang taon namin ng paghohomeschool kay Kuya V, isa din yan sa mga naging doubts ko - paano na ang kanyang social skills? Nagiisang anak pa lamang sya noon at walang  permanenteng kalaro.

Ngunit napansin ko, hindi naman pala hadlang ang pagiging only child at pagiging homeschooled nya para siya ay hindi matuto ng pakikitungo. At age 2, he can already make meaningful conversations with different kinds of people from different ages. Hindi din naging mahiyain ang anak namin bagkus, sobrang bibo pa. Kahit hanggang ngayon na kapag may sinasalihan kaming activities, ay nauuna syang sumagot at sumali. Hindi din sya nawawalan ng makakausap at ilang minuto pa ay kaibigan na nya ang mga taong nakilala. He has become a social butterfly.

Kanino unang natututo ang bata ng pakikipagsocialize? Sa pamilya.

Sino ang unang nagtuturo ng tamang asal at tamang pagkilos kasama ang ibang tao? Mga magulang.

Kaya para samin, hindi ang paghohomeschool ang magiging dahilan para maging anti-social ang isang tao. Kami ay naniniwala na nasa mga magulang pa din kung paano nila maie expose ang kanilang mga anak sa ibang tao. Pwedeng gawin ito sa pamamagitan ng playdates, field trips, sports, music, paglalaro sa playground,  pagsasamasama ng pamilya (extended), pagsama ng mga bata sa inyong hanapbuhay, o ang simpleng pagpunta sa palengke.

Bilang homeschoolers, mayroon kaming advantage para mapili kung sinu-sino ang pwedeng makasalamuha ng aming mga anak. Hindi lang horizontal ang kanilang socialization kasi ibat'ibang edad ang nakakasalamuha nila.

May kalayaan din kami na lumabas at makipag socialize anytime kasi hawak namin ang oras namin and we learn everywhere. My kids can visit their grandparents on a weekday and have a lesson on handling pets. Or we can attend a toy expo and play along with other kids at the event.

In my opinion, para sa mga batang maliliit pa, ang unang dapat nilang makasalamuha at matutunang makipag socialize eh sa pamilya. Umpisahan sa mga magulang. Kamusta ang relasyon mo sa anak mo? Naibabahagi mo ba sa kanya ang mga social norms tulad ng pagkatok sa pinto bago pumasok, huwag mag interrupt, pumila ng tama, mag po at opo sa matatanda, at igalang ang gamit ng iba? Nakakasundo ba nya ang kanyang mga kapatid?

Sa mga kapatid pa lang, natututo na ang bata ng conflict resolution! Sa araw araw ba naman na pag-aaway at bati ng mga ito eh. Natututo din sila na maging leader at follower, how to take turns, and learn to share.

Homeschooling does not make our kids anti-social. Homeschooling gives us the freedom to socialize.



Comments

  1. pag nasa schooling age na din si baby , tatry ko din ang home schooling .

    ReplyDelete
    Replies
    1. You are already homeschooling the minute you teach your child. Kahit yung tamang pag inom sa bote, that's homeschooling. :) Homeschooling is not just about academics, kasama ang life skills.

      Delete
  2. Cielo Jonna: Mas ok din po talaga ang home schooling.

    ReplyDelete
  3. Wow salute to you Mommy for raising ur kid as a homeschooler..
    Tama po. Ang pamilya po ang sumasalamin sa pagkatao ng ating mga anak. Kaya mahalaga ang katungkulan ntn magulang sa kanilang pag laki..

    ReplyDelete
  4. Tama po kayo momshie..Wala nmang masama sa homeschooling as long as nag eenjoy ang bata..kc nag uumpisa ang simpleng conversation sa loob ng bahay🖒🖒🖒

    ReplyDelete
  5. Yes momshie dati napapatanong din ako homeschooling about socialization ng bata kapag sa bahay sya. Pero nagkamali pala ko lalo na ung nabasa ko about kay Sir. Bo Sanchez. Ang dami kong natutunan. May mga out door din pala sila. At mas maganda kaysa pag pasok schpool . Kasi mas nakikita nila ung totoong nasa picture like animals etc. Un nga lang need mo ng matinding patience at dapat tutok ka sa anak mo.

    ReplyDelete
  6. worth basahin Mommy, i have few questions noon re homeschooling and doubts too. Di ko alam din ang social interactions nila kng maapektuhan ba. And such a good explanation Mommy and a reminder too to us Moms. I still have to evaluate myself if am able to do and share them of the social norms.Na amaze ako sa blog nato.❤

    ReplyDelete
  7. Wow.. biglang nagbago ang pananaw ko sa homeschooling. 😮
    I will consider this someday kapag magi-school na ang lo ko.

    ReplyDelete
  8. Wow thanks for sharing momsh maganda rin pala ang homeschooling .. Magagamit ko rin ung idea na ito pag nag school na babg ko ^_^

    ReplyDelete

Post a Comment